Infolinks In Text Ads

Monday, August 8, 2011

Agosto - Wika ni Juan





Isang pag babalik tanaw sa wikang pambansa. Ang TAGALOG na hango sa salitang "taga-ilog" para tukuyin ang mga taong naninirahan malapit sa ilog. Pinaniniwalaan na ang mga sina-unang tao ay naninirahan malapit sa anyong tubig tulad ng ilog o sapa. Tagalog na tinawag ding Pilipino,  at ngayon kilala na din sa tawag na Filipino ng mga banyaga.

Kapag pinag-uusapan ang wikang tagalog o Filipino, isa sa mga unang naiisip ng karaniwang Filipino ay si Gatdula Jose Rizal. (*Gatdula o gentleman , na maihahanlintulad din sa isang Europeong kabalyero) na noong walong taong gulang ay naisulat ang mga katagang "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda".